Home NATIONWIDE 4 tulak sa ‘shabu tiangge’ laglag sa Bulacan buy-bust ops

4 tulak sa ‘shabu tiangge’ laglag sa Bulacan buy-bust ops

1
0

Bulacan – Arestado ang apat na indibiduwal matapos umanong mahulihan ng iligal na droga sa tiangge sa lungsod ng San Jose Del Monte (SJDM) nitong Setyembre 10.

Sa ulat, kinilala ang mga naarestong suspek na sina alyas Buldi, Puti, Pao at Dagul.

Ayon sa ulat, ikinasa ang operasyon ng mga tauhan ng SJDM police station na may koordinasyon sa Philippine Drug Enforcement Agency sa isang tiangge sa Brgy. Graceville.

Nabatid na nagbenta ang mga target ng isang sachet ng hinihinalang shabu sa nagpanggap na buyer kapalit ang P500 kaya agad silang inaresto ng mga pulis na nasa lugar.

Narekober sa operasyon ang marked money at apat pang sachets ng hinihinalang shabu na humigit kunulang limang gramo at nasa halagang P34,000.

Nahaharap ang mga suspek sa kaukulang kaso na nasa kustodiya ng nasabing istasyon. Dick Mirasol III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here