MANILA, Philippines – Ibinasura ng Korte Suprema ang reklamong inihain ng Office of the Ombudsman laban sa pitong mahistrado ng Court of Appeals.
Sa resolusyong nilagdaan noong Disyembre 2025, sinabi ng Korte Suprema na judicial in nature at walang merito ang kasong gross ignorance of the law na isinampa laban sa pitong associate justices ng CA.
Kasama sa mga respondent ay sina Associate Justices Marlene Gonzales-Sison, Rafael Antonio Santos, Louis Acosta, Roberto Quiroz, Rex Bernardo Pascual, Mary Charlene Hernandez-Azura, at Ferdinand Baylon.
Nag-ugat ang reklamo sa pag-iisyu nila ng Temporary Restraining Order o TRO na humaharang sa preventive suspension ng walong miyembro ng Sangguniang Panlalawigan ng Antique.
Ang nasabing reklamo ay orihinal na inihain ni dating Ombudsman Samuel Martires, na hinimok namang aksyunan ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla nitong nakaraang linggo. Jocelyn Tabangcura-Domenden