Home NATIONWIDE 4 sa ex-bodyguards ni Zaldy Co naisyuhan ng arrest warrant; nakapagpiyansa agadNATIONWIDETOP STORIES 4 sa ex-bodyguards ni Zaldy Co naisyuhan ng arrest warrant; nakapagpiyansa agadSeptember 12, 2026 09:3630 FacebookTwitterPinterestWhatsApp MANILA, Philippines – Naisyuhan ng arrest warrant ang apat sa 18 dating bodyguard ni dating mambabatas Zaldy Co.Sa kabila nito ay nakapagpiyansa naman agad ang mga ito.Ayon sa San Juan City police, inaresto ang apat sa 18 ex-bodyguards dahil sa kasong cyberlibel na inihain laban sa kanila.Isinagawa ang pag-aresto habang ang apat na ex-bodyguards ay humaharap din sa panibagong kaso sa Hall of Justice sa San Juan City.Nagbayad ang bawat isa sa mga ito ng piyansang P10,000 para sa cyberlibel complaint.Samantala, mayroon namang 10 iba pang dating bodyguard ang inaresto dahil sa reklamong perjury. RNT/JGC