Home NATIONWIDE P60 wage hike inprubahan ng wage board ng NCR

P60 wage hike inprubahan ng wage board ng NCR

3
0

MANILA, Philippines – Inanunsyo ng Department of Labor and Employment o DOLE na inaprubahan ang bagong wage order na nagbibigay ng P60 dagdag-sahod para sa mga manggagawa sa pribadong kumpanya at negosyo sa Metro Manila.

Inaprubahan ang Wage Order No. 28 ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board-National Capital Region o RTWPB-NCR.

Sa ilalim ng kautusan, tataas ang minimum wage para sa non-agricultural workers mula P695 patungong P755 at parehong P60 daily increase din ang ibinigay sa agricultural workers.

Nailathala ito noong Setyembre 11, Biyernes at inaasahang magiging epektibo sa Setyembre 26 o 27.

Ayon sa DOLE, layon ng pagtaas na mapalakas ang purchasing power ng mga manggagawa at suportahan ang inclusive economic growth, alinsunod sa pangako ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ang wage order ay inilabas ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board–National Capital Region kasunod ng standard tripartite wage-setting process na kinabibilangan ng konsultasyon sa pagitan ng labor, employer, at kinatawan ng gobyerno.

Una rito, pinigilan ng Pasig Regional Trial Court o RTC ang pagpapatupad ng Wage Order No. 27 na nagbibigay ng P85 dagdag sa sahod ng minimum wage earners sa NCR. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here