AGUSAN DEL SUR, Philippines – Apat na hinihinalang miyembro ng New People’s Army (NPA) ang napatay sa engkuwentro ng mga rebelde at mga sundalo sa Barangay Bakingking, Esperanza, Agusan del Sur, ayon sa militar nitong Sabado.
Kinilala ng 4th Infantry Division ang isa sa mga nasawi bilang si Julia Cagadas, alyas “Rheda,” secretary ng North Central Mindanao Regional Committee (NCMRC) at isa sa mga nangungunang lider ng NPA sa Region 10.
Ayon sa militar, nakatakdang magbigay ng karagdagang detalye si Maj. Gen. Marion T. Angcao, commander ng 4th Infantry Division, sa isang press conference ngayong Linggo, Setyembre 13, sa headquarters ng 403rd Infantry Brigade sa Malaybalay City, Bukidnon. RNT/MDS