Home HOME BANNER STORY Albay isinailalim sa State of Calamity dahil sa dumaraming kaso ng dengue

Albay isinailalim sa State of Calamity dahil sa dumaraming kaso ng dengue

2
0

ALBAY, Philippines – Idineklara ng provincial government ng Albay ang state of calamity dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng dengue sa lalawigan.

Ayon sa Albay Provincial Health Office, umabot sa 1,785 ang naitalang dengue cases mula Enero hanggang Setyembre 8, 2026. Sa bilang na ito, 14 ang nasawi.

Pinakamaraming kaso ang naitala sa Legazpi City na umabot sa halos 380 sa 18 lungsod at munisipalidad ng Albay.

Hinimok naman ng provincial government ang publiko na panatilihing malinis ang kapaligiran at alisin ang mga lugar na maaaring pamugaran ng lamok upang mapigilan ang pagkalat ng dengue. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here