Home METRO Kanlaon nagbuga ng abo; 200-meter plume naitala

Kanlaon nagbuga ng abo; 200-meter plume naitala

3
0

NEGROS ISLAND, Philippines – Nagbuga ng abo ang Bulkang Kanlaon nitong Linggo ng umaga, na lumikha ng 200-meter-high plume, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).

Naitala ang ash emission makalipas ang alas-6 ng umaga at nakunan ng video ng Canlaon City Observation Station (KVO-CC) IPCamera dakong alas-6:24 ng umaga.

Nananatili sa Alert Level 2 ang Bulkang Kanlaon. Nakapagtala rin ang PHIVOLCS ng siyam na volcanic earthquakes mula hatinggabi ng Sabado hanggang hatinggabi ng Linggo.

Noong Sabado, umabot sa 600 metro ang mga moderate plume mula sa bulkan bago inanod patungong timog.

Pinagbabawal ng PHIVOLCS ang pagpasok sa loob ng 4-kilometer Permanent Danger Zone at paglipad ng mga sasakyang panghimpapawid malapit sa bulkan.

Kabilang sa mga posibleng panganib sa Alert Level 2 ang biglaang steam-driven o phreatic eruption at precursory magmatic activity. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here