Home METRO 6 durugista, 2 sagabal timbog sa tinumbang lalaki sa Bulacan

6 durugista, 2 sagabal timbog sa tinumbang lalaki sa Bulacan

1
0

BULACAN, Philippines – Arestado ang walong indibiduwal na umano’y nasangkot sa insidente ng pamamaril sa bayan ng Norzagaray nitong madaling araw ng Setyembre 10.

Sa ulat, naganap ang insidente ng pamamaril bandang 4:15 ng madaling araw sa Jose Pantaleon St., Sitio Gulod, Brgy. Tigbe.

Ayon sa ulat, natagpuan ang isang sugatan na 47 anyos  na biktima na kalaunan ay idineklarang dead on arrival sa Ospital ng Lungsod ng San Jose Del Monte.

Nabatid na agad nagsagawa ng beripikasyon at crime scene processing ang mga tauhan ng Norzagaray police station katuwang ang Bulacan Forensic Unit habang isinagawa ang follow up operation para matukoy at maaresto ang mga responsable.

Bandang 11:50 ng gabi sa pangunguna ng Norzagaray, Angat, SJDM, Meycauayan police station katuwang ang Sta. Maria police station, Bulacan Provincial Intelligence Unit at Bulacan 2nd PMFC ay nagsagawa sila ng joint hot pursuit operation sa Sitio Tibagan, Brgy. Caypombo Sta. Maria kaya naaresto sina alyas Aldrin, alyas Efren, alyas Jaymark.

Nakumpiska sa operasyon ang .45 pistol, magazine at apat na bala, sachet na naglalaman ng humigit kumulang 17.2 gramo ng hinihinalang shabu, motorsiklo at iba pang ebidensya.

Naaresto rin sina alyas Lord, alyas Rene at alyas Crisel dahil sa umanoy pagtatangkang itago ang mga suspek at iligaw ang mga operatiba.

Samantala, sa patuloy na operayon, nahuli din sa sina alyas Jeron at alyas Alvin bandang 2:05 ng madaling araw ng Setyembre 11 sa Sitio Gitna Brgy. Balasing, Sta Maria.

Nasamsam naman dito ang caliber .38 revolver, mga bala at ilang sachet ng hinihinalang shabu.

Inihahanda na ang mga kaukulang kaso laban sa mga suspek na nasa kustodiya na ng pulisya. (Dick Mirasol III)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here