Home METRO Comelec, naglabas ng show cause order vs Abas

Comelec, naglabas ng show cause order vs Abas

4
0

COTABATO CITY, Philippines – Naglabas ang Commission on Elections (Comelec) nitong Sabado, Setyembre 12, ng show cause order laban kay dating Comelec Chairman at kandidato sa kinatawan ng unang distrito ng Cotabato City na si Atty. Sheriff Abas kaugnay ng umano’y vote buying.

Ayon sa Committee on Kontra Daya ng Comelec, ipinapaliwanag kay Abas ang isang Facebook post ni Zaira Mae M. Baraguir na nagsasabing may nagaganap na “advance vote buying” habang papalapit ang Bangsamoro Parliamentary election.

Kalakip ng post ang larawan ng sample ballot na may nakasulat na “VOTE #1 SA BALOTA ATTY. SHERIFF ABAS,” kasama ang tatlong tig-P1,000 o kabuuang P3,000.

Inatasan si Abas na magpaliwanag sa loob ng hindi lalampas sa 24 oras mula sa pagtanggap niya ng show cause order kung bakit hindi siya dapat kasuhan ng election offense at/o petition for disqualification.

Binalaan din siya ng Comelec na ang hindi pagtugon sa kautusan ay ituturing na waiver sa kanyang karapatang marinig at maaaring humantong sa pagsasampa ng kaso laban sa kanya. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here