Home METRO Angkas utas, rider sugatan sa aksidente sa Cavite

Angkas utas, rider sugatan sa aksidente sa Cavite

3
0

CAVITE, Philippines – Patay ang isang 31-anyos na backrider habang sugatan naman ang rider matapos maaksidente ang kanilang motorsiklo sa Centennial Road, Barangay Pag-Asa III, Imus City, Cavite, Linggo ng madaling-araw.

Kinilala ang mga biktima sa alyas na “IC,” 32, rider, at “Mika,” 31, backrider, kapwa residente ng Amaya Residences, Barangay Amaya, Tanza. Sakay sila ng Yamaha Aerox na may plakang 479QFU.

Ayon sa pulisya, dakong alas-5 ng umaga nang mawalan umano ng balanse ang motorsiklo habang binabagtas ang shoulder lane ng Centennial Road patungong Cavitex. Dahil dito, bumagsak ang mga sakay sa pavement.

Tumilapon si Mika at sa kasamaang-palad ay nasagasaan pa ng rear right tire ng trailer na hinihila ng isang Isuzu Giga Truck Tractor Head na minamaneho ng 42-anyos na si alyas “Ariel.”

Isinugod ng mga tauhan ng CDRRMO Imus si Mika sa San Pedro Calungsod Medical Center, ngunit idineklarang dead on arrival dahil sa tinamong matinding pinsala.

Nagtamo rin ng mga sugat sa katawan ang rider na si “IC.”

Patuloy ang imbestigasyon ng Imus City Police upang matukoy ang buong pangyayari at kung sino ang maaaring managot sa insidente. MARGIE BAUTISTA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here