Home METRO Mahahalagang dokumento sa tanggapan ng prinsipal sa elementarya naabo sa sunog sa...

Mahahalagang dokumento sa tanggapan ng prinsipal sa elementarya naabo sa sunog sa Bulacan

4
0

BULACAN, Philippines – Nasunog ang isang gusali ng paaralan na umanoy nadamay ang mismong tanggapan na pinag-iimbakan ng mahahalagang dokumento sa Brgy. Mambog, Malolos City nitong gabi ng Setyembre 12.

Sa ulat, bandang 9:00 ng gabi ay nasunog ang bahagi ng opisina ng prinsipal ng Mambog Elementary School sa nasabing lungsod.

Agad rumesponde ang ibat-ibang pamatay sunog mula sa lungsod ng Malolos, kasama ang  ibat-ibang kabaro at mga volunteers.

Nabatid na bandang 11:00 ng gabi ay tuluyang naapula ng mga bumbero ang nasabing sunog.

Sinasabing inaalam pa ng mga awtoridad ang pinagmulan ng nasabing sunog at ang halaga ng napinsalang ari-arian.

Kaugnay nito, agad na dumating sa lugar ang alkalde na si Mayor Atty. Christian Natividad at Bise Alkalde Bebong Gatchalian para sa kaukulang tulong at upang umagapay sa nasabing insidente. (Dick Mirasol III)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here