Home NATIONWIDE DPWH binalaan ni Pangilinan: ‘No master plan vs baha sa Pampanga, no...

DPWH binalaan ni Pangilinan: ‘No master plan vs baha sa Pampanga, no budget’

1
0

MANILA, Philippines – Matinding binalaan ni Senador Francis Pangilinan ang Department of Public Works and Highways (DPWH) na kanyang haharangin ang 2027 budget ng ahensiya kapag walang naipakitang master plan laban sa pagbaha sa lalawigan ng Pampanga.

Sa pahayag sinabi ni Pangilinan na hindi nila aaprubahan ang 2027 budget ng ahensiya kung walang malinaw na plano at pondo para sa flood control sa probinsya matapos ang halos 36 araw na pagbaha sa Pampanga.

Nitong Biyernes, September 11, personal na binisita ni Pangilinan kasama si Senador Lito Lapid ang Pampanga — ang probinsya ng kanyang ama — para alamin mismo ang sitwasyon ng mga Cabalen at mamahagi ng relief packs mula sa DSWD.

Ayon kay Pangilinan, nakikipag-ugnayan na ang kanyang opisina sa mga LGU sa Pampanga para sa agarang tulong, pero ang mas mahalagang solusyon ay ang pangmatagalang flood control.

“Pero alam natin ano ba ang mas mahalagang solusyon sa usapin nung pagbabaha? Kaya next week, may budget hearing na sa Senado. Haharap samin ang DPWH,” pahayag niya.

“Hihilingin natin ang plano ng DPWH at ilalaban natin yung dagdag na budget at kapag hindi nila sinagot yung ating tanong na anong gagawin natin sa Pampanga, ano ang proyekto ninyo sa flood control, magkano ang budget na ilalaan ninyo, kapag hindi tayo nakuntento, hindi natin ipapasa ang budget nila,” dagdag pa niya.

Kasama si Lapid, isusulong aniya ang isang buo at pondohan na master plan para sa pagbaha sa Pampanga.

“Narito lang po tayo at wag po kayo mag-alala. Mayroong mga Senador kayong kaagapay at kasama habang humaharap tayo sa mga pagsubok. Ang natutunan ko sa mga krisis, pagsubok, kaya natin lampasan ang anumang krisis basta nagtutulungan po tayo,” sabi ni Pangilinan.

Binisita ng dalawang senador ang mga bayan ng Santo Tomas at San Luis noong Biyernes para sa relief operations, sa kabila ng kanilang trabaho sa Senado.

Giit ni Pangilinan, ang budget hearing sa mga susunod na linggo ay mahalagang pagkakataon para singilin ang mga ahensya sa flood control spending, lalo na sa gitna ng mga isyu ng substandard at umano’y ghost projects.

Una na niyang ipinanawagan ang transparency at pananagutan sa P7.2-trillion na panukalang pambansang budget para sa 2027, at ang pagkakaroon ng isang national flood-control policy na nakabatay sa agham at iisang integrated master plan. Ernie Reyes 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here