MANILA, Philippines — Walang nakakuha ng jackpot sa Ultra Lotto 6/58 at Super Lotto 6/49 draws nitong Linggo, Setyembre 13, ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).
Walang tumama sa winning combination na 57-26-17-14-41-52 para sa Ultra Lotto 6/58 na may jackpot na P292.77 milyon.
Wala ring nakakuha ng P25.12 milyong jackpot sa Super Lotto 6/49 matapos walang ticket na tumama sa kombinasyong 23-26-21-20-48-25.
Samantala, narito ang resulta ng 2D at 3D Lotto draws: