Home NATIONWIDE COMELEC, naglabas ng guidelines sa proklamasyon ng BARMM poll winners

COMELEC, naglabas ng guidelines sa proklamasyon ng BARMM poll winners

3
0

MANILA, Philippines — Naglabas ang Commission on Elections (COMELEC) ng amended guidelines para sa proklamasyon ng mga mananalo sa 2026 Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) Parliamentary Elections.

Ayon sa poll body, hanggang apat na companion lamang ang maaaring isama ng mga regional parliamentary political party at mga kandidatong mananalo bilang parliamentary district representatives sa Maguindanao del Norte, maliban sa Cotabato City, Maguindanao del Sur at Special Geographic Areas.

Gaganapin ang proklamasyon sa 6th Infantry Division sa Camp Siongco, Barangay Awang, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte.

Inatasan din ang mga mananalo na isumite sa Bangsamoro Electoral Office ang kumpletong pangalan ng kanilang mga kasama, plate number ng sasakyan at pangalan ng driver.

Mahigpit ding ipinagbabawal ang pagdadala ng baril sa mismong proclamation venue.

Idinaos nitong Setyembre 14 ang kauna-unahang BARMM parliamentary elections. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here