Home METRO Visayas grid muling isasailalim sa yellow, red alert – NGCP

Visayas grid muling isasailalim sa yellow, red alert – NGCP

3
0

MANILA, Philippines – Nakatakdang muling isailalim sa Red at Yellow Alerts ang Visayas grid ngayong Martes, Setyembre 15, dahil sa kakapusan ng suplay ng kuryente.

Ayon sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), ipatutupad ang Red Alert mula alas-5 hanggang alas-7 ng gabi, habang Yellow Alert mula alas-3 hanggang alas-5 ng hapon at alas-7 hanggang alas-8 ng gabi.

Umabot sa 12 power plants ang hindi gumagana mula Setyembre, habang tatlo ang outage mula Agosto. May isa ring plantang hindi gumagana mula Hulyo, dalawa mula Hunyo at pito mula Mayo.

Kabilang sa mga offline ang malalaking coal power plants na Therma Visayas Inc. 1 at 2 at Panay Energy Development Corporation 3.

Dahil dito, nasa 2,352 megawatts (MW) ang available capacity ng grid, habang inaasahang aabot sa 2,492 MW ang peak demand.

Ayon sa NGCP, nangangahulugan ang Red Alert na maaaring magkaroon ng power interruptions dahil hindi sapat ang suplay para matugunan ang demand at kinakailangang reserve ng transmission grid.

Samantala, ang Yellow Alert ay nangangahulugang posibleng magkaroon ng power interruptions dahil mas mababa sa kinakailangang contingency requirement ang produksyon ng mga power plant.

Nauna nang iniutos ng Energy Regulatory Commission ang retroactive implementation ng secondary price cap sa Visayas at Mindanao spot market para sa August electricity trading at mga susunod pa, matapos umabot sa record levels ang presyo ng kuryente dahil sa pagsasara ng maraming power plants sa rehiyon. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here