Home METRO UPDATE: BARMM parliamentary elections, nakapagtala ng 98.60% voter turnout

UPDATE: BARMM parliamentary elections, nakapagtala ng 98.60% voter turnout

115
0

COTABATO CITY, Philippines – Umabot na sa 98.60% ang voter turnout sa unang parliamentary elections ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), batay sa pinakabagong partial at unofficial results ng Commission on Elections (Comelec).

Ayon sa Comelec media server, apat na regional parliamentary political parties (RPPPs) ang lumampas sa 2.5% vote threshold.

Nanguna ang Bangsamoro Federalist Party (BFP) na may 660,392 boto o 35.1%, sinundan ng United Bangsamoro Justice Party (UBJP) na may 609,538 boto o 32.4%.

May 386,398 boto o 20.6% ang BARMM Grand Coalition (BGC), habang nakakuha naman ng 67,816 boto o 3.6% ang Raayat Democratic Party-Bangsamoro People’s Democratic Party.

Nauna nang sinabi ni Comelec Chairperson George Erwin Garcia na umabot sa humigit-kumulang 80% ang voter turnout at pinuri ang mga botante sa kabila ng ilang insidente ng karahasan.

“Kahit na may ilang karahasan, hindi nagpatinag ang mga kababayan natin sa Bangsamoro. Kahit na may nagkaroon ng putukan, talagang pagkatapos na dumiretso pa rin sila sa presinto at bumoto,” ani Garcia. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here