Home LIFESTYLE HEALTH Distribusyon ng gamot kontra leptospirosis, pinalawak ng QC

Distribusyon ng gamot kontra leptospirosis, pinalawak ng QC

1
0

QUEZON CITY, Philippines – Pinalawak ng Quezon City government ang access sa doxycycline kasunod ng pagtaas ng mga kaso ng leptospirosis matapos malubog sa baha ang ilang residente.

Ipamamahagi ang gamot sa mga health center, QC Action Offices, outreach sites at iba pang accessible na lugar. Magsasagawa rin ng house-to-house distribution ang community health workers at Barangay Health Emergency Response Teams sa mga apektadong lugar.

Ayon sa Quezon City Epidemiology and Surveillance Division, umabot sa 555 ang leptospirosis cases noong Agosto, katumbas ng 75% ng kabuuang 740 kaso mula Enero hanggang Setyembre 7, 2026.

Lumampas sa epidemic threshold ang lungsod noong Agosto 9 hanggang 15, habang nag-peak ang mga kaso mula Agosto 16 hanggang 29.

Sa kabila ng pagdami ng kaso, bumaba ng halos 45% ang mga nasawi, mula 85 noong kaparehong panahon noong nakaraang taon sa 47 ngayong taon.

Ayon kay Mayor Joy Belmonte, ipinapakita ng pagbaba ng mga namamatay na nakatutulong ang maagang pag-iwas, pagpapakonsulta at paggamot sa sakit.

Magbibigay rin ang lungsod ng standard information tungkol sa pag-iwas, sintomas at paggamot sa leptospirosis. Plano ring isama ang Doxycycline Flood Exposure Kit sa emergency go-bags para sa mga prayoridad na pamilya.

Gayunman, pinaalala ni Belmonte na dapat lamang inumin ang doxycycline matapos ang tamang medical assessment at agad magpatingin ang sinumang makararanas ng sintomas matapos ma-expose sa baha.

“The government cannot fight leptospirosis alone. We need every QCitizen to act early, seek medical advice, and avoid delaying treatment.” RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here