Home METRO 41 biktima ng sunog sa MV June Aster, pansamantalang inilibing sa Coron

41 biktima ng sunog sa MV June Aster, pansamantalang inilibing sa Coron

1
0

PALAWAN, Philippines – Pansamantalang inilibing sa San Nicolas Public Cemetery sa Coron ang 41 bangkay na hindi pa nakikilala mula sa trahedya ng MV June Aster, habang umabot na sa 76 ang death toll.

Mula sa Borac Port, kung saan kinokolektahan ng DNA samples ang mga labi, inililipat ang mga ito sa funeral vans at ihahatid sa pansamantalang burial site.

Walang seremonya, bulaklak o kandila sa mga libing. Wala ring pangalan ang mga puntod habang hinihintay ang resulta ng DNA testing.

Ayon kay Lt. Col. Richard Mangalip ng MIMAROPA Regional Forensic Unit, maaaring abutin ng ilang linggo hanggang buwan ang resulta ng pagsusuri.

Patuloy namang dumarating sa Coron ang mga pamilyang naghahanap sa kanilang mga mahal sa buhay, umaasang maiuuwi nila ang kanilang mga labi upang mabigyan ng maayos at marangal na libing. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here