Home TOP STORIES TIEZA sinilip Dambana ng Pambansang Watawat project sa Imus

TIEZA sinilip Dambana ng Pambansang Watawat project sa Imus

2
0

CAVITE — Nagsagawa ng site inspection si Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA) Chief Operating Officer Mark Lapid sa Dambana ng Pambansang Watawat sa Imus City, Cavite, bilang bahagi ng pagpapaunlad sa Central Hub ng makasaysayang lugar.

Kasama ni Lapid si Imus City Mayor Alex Advincula sa inspeksyon at pagpupulong kaugnay ng proyekto.

Layunin ng proyekto na mapangalagaan ang makasaysayang lugar at higit pang mapaunlad ang heritage tourism sa lungsod.

Bahagi ito ng mga programang pang-imprastraktura ng TIEZA para sa mga tourism destination, kabilang ang Tourist Rest Areas, tourism enterprise zones, heritage at cultural sites, at iba pang pasilidad para sa mga turista.

Ayon kay Lapid, mahalagang mapanatili ang kasaysayan at kultura ng mga lugar kasabay ng modernisasyon at pagpapahusay ng mga pasilidad.

Sinabi rin ng TIEZA na patuloy nitong isinusulong ang rehabilitasyon at pagpapaunlad ng tourism infrastructure sa iba’t ibang bahagi ng bansa upang maging mas maayos, accessible at ligtas ang mga destinasyon at makatulong sa lokal na ekonomiya at paglikha ng trabaho. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here