Home HOME BANNER STORY VP Sara trial sinuspinde ng Senado para sa pagdinig ng amici curiae

VP Sara trial sinuspinde ng Senado para sa pagdinig ng amici curiae

2
0

MANILA, Philippines – Didinggin ng Senate impeachment court sa Miyerkules ang opinyon ng mga itinalagang amici curiae hinggil sa pinagtatalunang vote threshold para sa conviction sa paglilitis kay Vice President Sara Duterte.

Sa pahayag sinabi ni Presiding Officer Francis “Chiz” Escudero pansamantalang inurong sa susunod na linggo ang pagharap ng testigo mula sa Securities and Exchange Commission (SEC).

Anya, walang ihaharap na testigo sa Setyembre 16 dahil tatanggapin ng korte ang pananaw nina retired Chief Justices Artemio Panganiban at Reynato Puno, at retired Associate Justice Adolfo Azcuna. Si dating Chief Justice Hilario Davide Jr. naman ay lalahok sa pamamagitan ng memorandum.

“Tomorrow, as a reminder to the parties, we will not have a trial. We shall receive the of the court or the amici curiae,” ani Escudero.

Ang apat na dating mahistrado ng Korte Suprema ay naunang itinalaga upang tulungan ang korte na linawin ang isyu sa voting base para sa conviction sa impeachment case.

Ayon kay Escudero, bibigyan ang bawat senator-judge ng limang minuto para magtanong, habang ang prosecution at defense ay maaaring idaan ang kanilang tanong sa pamamagitan ng presiding officer.

Inatasan din ng korte ang clerk of court na bigyan ng kopya ng memorandum ni Davide at ng isa pang memorandum na isinumite ad cautelam ni Fr. Ranhilio Aquino ng San Beda Graduate School of Law ang mga senator-judge at magkabilang panig.

Nagkaroon ng adjustment sa schedule matapos hilingin ni House prosecutor Rep. Terry Ridon na sa Setyembre 21 na lamang iharap ang susunod na testigo, dahil mahaba umano ang direct examination na kinasasangkutan ng financial documents.

“Medyo mahaba po yung presentation kasi mga financial documents po,” sabi ni Ridon sa korte.

Pinagbigyan ni Escudero ang kahilingan at inatasan ang pag-iisyu ng subpoena kay SEC official Gerardo del Rosario para humarap sa korte sa Setyembre 21 at 22 ng alas-10 ng umaga.

Aniya, ang pag-urong ay magbibigay din ng mas maraming oras sa mga abogado ni Duterte para maghanda sa posibleng cross-examination.  Ernie Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here