Manila, Philippines – Ang pelikulang Quezon kung saan bida si Jericho Rosales ang nagkamit ng pinakamaraming nominasyon sa 49th Gawad Urian na gaganapin sa October.
Ito’y sa De La Salle Univèrsity sa Taft Ave., Manila.
Sampu ang nakuhang nominasyon ng Quezon–kabilang ang Best Director (Jerrold Tarog) at Best Actor (Jericho Rosales).
Pito ang sa Bar Boys: After School.
Tiglima ang Bloom Where You Are Planted at Manila’s Finest.
Apat naman sa Habang Nilalamon ng Hydra ang Kasaysayan.
Tatlo ang sa Republika ng Pipolipinas, Ragino (Rumaragasa), Child No. 92: Anak ni Boy Kana at Magellan.
Togdadalawa naman ang I’m Perfect, Paglilitis, Tigkiwili, Sone Nights I Feel Like Walking, Lakambini: Gregoria de Jesus at Salum.
isang nomination lang eacn ang Dreamboi, Meet, Greet & Bye at Song of the Fireflies.
Sa pagka-Best Actor, makakalaban ni Jericho si Earl Amaba, sina Jomari Angeles at Miguel Odron.
Sa pagka-Best Actress, matunog si Maris Racal sa pelikulang Sunshine.
May ilan din ang laglag sa listahan ng mga nominado–tulad ni Vice Ganda na Best Actor sa MMFF 2025 para sa Call Me Mother at Khalil
Ramos na CinePanalo 2025 Best Actor.
Well, kanya-kanyang choices lang ‘yan…good luck! Ronnie Carrasco III