ILOCOS NORTE- Arestado ang isang babae at apat na lalaki matapos silang maaktuhang nagsusugal ng Lucky 9 sa bayan ng Badoc ng lalawigang ito nitong madaling-araw ng Miyerkules, Setyembre 16.
Ayon sa Badoc MPS, ang mga naaresto ay edad 26, 46, 40, 27, at 64.
Bandang 12:08 ng madaling-araw nang ikasa ng mga awtoridad ang anti-gambling operation sa naturang lugar na tumagal ng halos isang oras.
Nakumpiska mula sa mga suspek ang isang set ng baraha at bet money na P5,525.
Ang operating team ay binubuo ng mga personnel ng Badoc MPS, Ilocos Norte PPO (lead unit), at 2nd Ilocos Norte Provincial Mobile Force Company. ROLANDO S. GAMOSO