MANILA, Philippines – Dumistansya ang Korte Suprema sa naging pahayag ni Vice President Sara Duterte na wala siyang tiwala sa justice system ng bansa.
Sa pahayag ni SC spokesperson Atty. Camille Ting, sinabi niya na nirerespeto nila ang pahayag ng Bise Presidente.
Paglilinaw ni Atty. Ting, pinagpapasyahan ng hukom ang kaso batay sa batas at sa mga ebidensyang inihaharap sa Korte.
Tungkol naman sa kung pagpapaliwanagin ang Bise Presidente sa kanyang naging pahayag, sinabi ni Atty. Ting na kailangan munang hintayin ang magiging aksyon ng Korte.
Bagamat isa ring abogado si VP Sara, wala pang inihahayag ang SC na hakbang kaugnay sa kanyang sinabi.
Kaugnay naman ng panawagan ng grupo ng mga hukom na protektahan sila laban sa online harassment, sinabi ng Kataas-taasang Hukuman na hinihintay pa ang magiging aksyon nito sa isyu. Jocelyn Tabangcura-Domenden