Home NATIONWIDE Mga nanalong kandidato sa BARMM polls sa Cotabato City at Basilan inanunsyo...

Mga nanalong kandidato sa BARMM polls sa Cotabato City at Basilan inanunsyo na

1
0

MANILA, Philippines – Inanunsyo na ang mga nanalong kandidato para sa parliamentary district representative seats sa Cotabato City at Basilan kasunod ng kauna-unahang parliamentary elections sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Ang BARMM Parliament ay may 80 upuan — 40 para sa party representatives, 32 para sa district representatives at 8 para sa sectoral representatives.

Sa 32 district seats, siyam ang para sa Lanao del Sur, lima bawat isa para sa Maguindanao del Norte at Maguindanao del Sur, apat bawat isa para sa Basilan at Tawi-Tawi, tatlo para sa Cotabato City, at dalawa para sa Special Geographic Area (SGA).

Ang mga nanalo sa tatlong parliamentary districts ng Cotabato City ay sina:

Romeo Sema (MP) – first district
Naguib Sinarimbo (BFP) – second district
Tomanda Antok (BFP) – third district

Nasungkit ng Bangsamoro Federalist Party (BFP) ang dalawa sa tatlong district seats sa Cotabato City, habang si Sema ng Mahardika Party (MP) ang nanalo sa first district.

Ang mga nanalo namang kandidato sa Basilan ay sina:

Rima Hassan (BFP) – first district
Pai Sali (UBJP) – second district
Abrar Hataman (BFP) – third district
Jay Hataman (BFP) – fourth district

Nasungkit ng BFP ang tatlo sa apat na district seats sa Basilan, habang ang United Bangsamoro Justice Party (UBJP) ay nanalo ng isa.

Ipinagpatuloy ang botohan sa 36 sa 86 presinto sa Maluso, Basilan noong Martes, Setyembre 15, matapos matuklasan ng Commission on Elections (Comelec) ang pre-shaded ballots sa mga apektadong presinto.

Sinabi ni Comelec spokesperson John Rex Laudiangco noong Martes na mahaharap sa kasong electoral sabotage na may parusang habambuhay na pagkakakulong ang indibidwal sa likod ng pre-shading ng balota.

Tinutukoy na rin ng mga awtoridad ang mga kandidatong umano’y sangkot sa insidente ng pre-shaded ballots, dahil maaari silang maharap sa disqualification, ayon sa Comelec.

Sinabi ni Comelec Chairperson George Erwin Garcia na ang final voter turnout para sa kauna-unahang BARMM parliamentary elections ay 84.34%. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here