Home METRO 34 wanted persons sa CALABARZON, arestado 

34 wanted persons sa CALABARZON, arestado 

3
0

LAGUNA, Philippines – Tatlumpu’t apat katao na pawang wanted persons ang bumagsak sa kamay ng mga awtoridad sa isinagawang 24 oras na operasyon ng pinagsanib na puwersa ng Police  Regional Office 4A sa magkakahiwalay na lugar sa CALABARZON.

Base sa report sinimulan umano ang operasyon ng dakong alas – 6:00 ng umaga ng kahapon ( Sept. 17,2026) hanggang alas- 6:00 kaninang umaga ( Sept. 18, 2026) kung saan ang mga naaresto ay pawang Most Wanted Persons, Wanted Persons at Other Wanted Persons.

Kabilang sa mga kinakaharap na kaso ng 34 na naaresto ang Rape, Murder, RA 9165 ”  Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ” , RA 10883 ” New Anti Carnapping Act of 2016 at iba pang paglabag sa batas.

Ayon kay PBGen Dominic L. Baccay Regional Director ng PRO4 CALABARZON ang kanilang patuloy na na operasyon laban sa nga Wanted Persons ay bahagi ng  mandato ng PNP na panatilihin ang kaayusan at kapayapaan sa mga komunidad, gayundin ang pagtitiyak na ang mga indibidwal na may kinakaharap na kaso ay maihaharap sa korte at mapapanagot alinsunod sa batas.

Napag-alaman na ang mga operasyong ito ay nakaangkla sa Focused Agenda ng Chief, PNP at sinusuportahan ng PRO 4A B.E.S.T. (Be Visible, Engage Immediately, Serve Together, Transform Trust) Policing Framework.

“Hindi titigil ang ating kapulisan sa paghahanap sa mga wanted persons. Walang makakatakas sa batas, hahanapin namin kayo at ihaharap sa hustisya. We will not tolerate violence, abuse, or any unlawful acts. Face the full force of the law,” Ani PBGen Baccay.

Samantala ang 34 nadakip ay pansamantalang , nasa kustodiya na ng mga awtoridad para sa wastong disposisyon ng kanilang mga kaso, habang ibinabalik naman ang mga warrant of arrest sa kani-kanilang hukuman para sa kaukulang legal na proseso.

Patuloy na isinusulong ng pamunuan ng PRO 4A ang pinaigting na operasyon laban sa mga wanted persons upang matiyak ang agarang pagpapatupad ng mga warrant of arrest at mapanatili ang seguridad, kapayapaan, at kaayusan sa buong probinsya ng  CALABARZON. /Ellen Apostol

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here