Home HOME BANNER STORY Laguna Lake ‘encroachment’ pinuna ni Lacson

Laguna Lake ‘encroachment’ pinuna ni Lacson

1
0

MANILA, Philippines – Pinuna ni Senador Panfilo Lacson nitong Sabado, Setyembre 19 ang 170 ektarya ng umano’y “unauthorized encroachment” sa Laguna Lake sa Taguig City.

Sa pahayag, sinabi ni Lacson na nakita sa datos ng Philippine Reclamation Authority (PRA) ang umano’y encroachment ng nasa 13 titulo sakop ang malalawak na lugar.

“There are titled areas that are still water. When the PRA vetted them using digital and satellite maps, they found the titles covered even water. These are 13 titles covering an area of 170 hectares on the Taguig side of Laguna Lake,” ani Lacson sa panayam sa radyo.

Aniya, ito ay katumbas ng one-third ng 560 ektarya ng reclaimed land sakop ang Laguna Lake sa Rizal at Laguna.

Ipagpapatuloy naman niya ang pagtulong sa Office of the Ombudsman at iba pang ahensya para busisiin ang usaping ito.

Hindi naman pinangalanan ni Lacson si Cayetano sa pahayag nito ngunit ang lugar ay kilalang balwarte ng senador.

Samantala, sa kaparehong oras na naglabas ng pahayag si Lacson ay nagsagawa naman ng livestream si Cayetano sa Facebook at ipinapakita na siya ay nasa Laguna Lake.

Aniya, siya ay mayroong aktibidad kasama ang mga bata bagamat hindi tinukoy kung ano ito.

Sa live stream ay kinondena naman ni Cayetano si Lacson sa umano’y selective justice.

“So sabi ko, kung gaano kapino ang pagtutok niya sa siyudad ng Taguig na kung saan nagwo-work ‘yung flood control, na kung saan, walang ghost, na kung saan napakaganda ng lakeshore at model sa buong Laguna Lake pero pine-paint niya in a very malicious way,” ani Cayetano.

“Sabi ko for the sake of argument isantabi natin ‘yan. Mayroon bang mga ibang lugar sa buong Pilipinas, mayroon nga iba napatunayan na may ghost pero tahimik walang investigation? So, ano po ang sagot nila? Sagot nila hindi dapat Taguig, hindi dapat kay Alan, hindi dapat ang mga Cayetano managot,” dagdag pa niya. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here