CROATIA – Sugatan ang isang Filipina tourist matapos mahulog mula sa viewing spot ng isang tourist site sa Dubrovnik, Croatia.
Ayon sa ulat ng Unang Balita, kumukuha umano ng litrato ang biktima nang mahulog. Sinabi ng isang Pinoy na nakasaksi sa insidente na malakas ang hangin noong mga oras na iyon.
Nagtamo ang biktima ng mga sugat sa ulo, braso at binti at kinailangang sumailalim sa operasyon.
Nasa stable condition na siya at patuloy na minomonitor sa ospital.
Naabisuhan na rin ang kanyang mga kamag-anak hinggil sa insidente.
Patuloy ang imbestigasyon upang matukoy ang buong pangyayari. RNT