Home NATIONWIDE Hirit ni Tiangco na muling buksan debate sa House Budget, inisnab

Hirit ni Tiangco na muling buksan debate sa House Budget, inisnab

1
0

MANILA, Philippines — Ibinasura nitong Lunes ang mosyon ni Navotas Rep. Toby Tiangco na muling buksan ang plenary deliberation sa budget ng House of Representatives sa ilalim ng panukalang 2027 General Appropriations Bill.

Kinuwestiyon ni Tiangco ang pagbabago sa schedule ng deliberasyon sa budget ng Kamara mula Setyembre 24 patungong Setyembre 17, na aniya’y nakaapekto sa paghahanda ng mga mambabatas na nais magtanong tungkol dito.

“Kaya po tayo nagbibigay ng schedule ng budget is para po makapaghanda yung mga members na magtanong,” ani Tiangco.

Humiling siya ng reconsideration upang muling iharap sa plenaryo ang budget ng Kamara.

Gayunman, idineklara ni Deputy Speaker Janette Garin na “out of order” ang mosyon dahil hindi nakaboto si Tiangco sa naunang deliberasyon habang nasa official travel abroad.

Binanggit ni Garin ang Section 105 ng House rules, na nagsasaad na ang miyembrong bumoto kasama ng majority sa isang naaprubahan, pinagtibay o ibinasurang mosyon ang maaaring humiling ng reconsideration sa parehong araw o susunod na session day.

Tinapos noong Setyembre 17 ang interpellation sa panukalang P27.9-bilyong budget para sa Kongreso, na sumasaklaw sa Senado, House of Representatives, Commission on Appointments, at House at Senate Electoral Tribunals. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here