Home NATIONWIDE Kauna-unahang kaso ng swine fever naitala sa Cebu

Kauna-unahang kaso ng swine fever naitala sa Cebu

1
0

MANILA, Philippines – Nakapagtala ang probinsya ng Cebu ng kauna-unahang kaso ng African swine fever (ASF) sa munisipalidad ng Ginatilan.

Dahil dito ay kinailangan ng mga awtoridad na magpatupad na ng mahigpit na movement restrictions, border control at livestock trading suspension para maiwasan ang pagkalat ng nakahahawang sakit.

Kasunod ng kumpirmasyon ng kaso ng ASF sa Barangays Cagsing at Calabaza ng Cebu Provincial Veterinary Office (PVO), nag-isyu si Ginatilan Mayor Roy Vincent Singco noong Setyembre 19 ng executive order (EO) na nag-uutos na pigilan na agad ang pagkalat ng swine fever.

Sa tatlong pahinang EO, kinumpirma ng PVO ang impeksyon sa pamamagitan ng official confirmatory testing.

Magsisilbing technical authority ang opisina para sa disease testing, monitoring, at guidance, habang pangungunahan naman ng Municipal Agriculture Office (MAO) ang implementasyon ng ASF prevention at containment measures.

Mananatiling epektibo ang kautusan hanggang alisin ng alkalde batay sa rekomendasyon ng PVO at Department of Agriculture.

Kabilang din sa mga pinagbabawalan sa kautusan ang pagbyahe, paglilipat, pagbili, pagbebenta at paggalaw ng mga baboy sa loob at labas ng mga apektadong barangay.

Mahigpit ding ipinagbabawal ang pagpasok at paglabas ng lahat ng baboy sa Barangay Cagsing at Calabawan.

Bawal din ang pagkatay ng mga baboy sa dalawang barangay.

Dagdag pa, pinagbawalan din ng alkalde ang pagpasok ng buhay na baboy at lahat ng swine meat o pork products mula sa Negros Oriental sa lahat ng land at sea entry points sa munisipalidad.

Naglatag ng mga checkpoint sa lahat ng entry at exit point sa Barangay Cagsing at Calabawan, maging ang municipal border checkpoints sa Barangays Looc, Palanas, Mangaco at Salamanca. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here