Manila, Philippines – Nagluluksa ngayon si Zsa Zsa Padilla sa pagpanaw ng kanyang younger brother na si Peregrine “Sonny” Padilla.
Inanunsyo ito ng singer-actress sa kanyang social media account.
Zsa Zsa’s brother passed away sa edad na 57.
Hindi naman binanggit ni Zsa Zsa ang cause of death nito.
Pero ayon sa kanya, malaking puwang daw ang iniwan ng pamamaalam ng kapatid sa Padilla family.
“Sonny was deeply loved, and his passing leaves an immeasurable void in our family.
“We are grateful for the love, laughter and memories we shared with him which we will carry with us always,” ayon sa kanyang post.
Humihiling si Zsa Zsa ng panalangin para kay Sonny at sa kanyang pamilya sa pagpanaw nito: “Rest in peace, my dearest brother, Sonny.
You will be loved and forever missed.”
Sina Zsa Zsa at Sonny ay dalawa sa anim na supling ng tanyag na boxing referee na si Carlos Padilla Jr. at Esperanza Felipa Padilla.
llan sa mga nagpaabot ng kanilang pakikiramay ay sina Charo Santos-Concio, mag-asawang Ogie Alcasid at Regine Velasquez, Martin Nievera, Gary Valenciano, Dawn Zulueta at iba pa.
Mula sa Remate Online, ang aming taospusong pakikiramay kay Zsa Zsa Padilla at buong pamilya. Ronnie Carrasco III