Home NATIONWIDE Fuel subsidy ng LTFRB ‘di na ipagbabawal ng Comelec

Fuel subsidy ng LTFRB ‘di na ipagbabawal ng Comelec

1
0

MANILA, Philippines – Hindi na ipagbabawal ng Commission on Elections (Comelec) ang fuel subsidy ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa mga serbisyong panlipunan bago ang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).

“Na exempt na po namin ang fuel subsidy ng LTFRB sa social services,” sinabi ni Comelec chairperson George Garcia.

Saklaw din ng exemption ang Libreng Sakay at buwanang tulong sa ilalim ng Public Transport Modernization Program, sinabi ni Comelec spokesperson John Rex Laudiangco.

Gayunpaman, ipinunto ng poll body na hindi kasama sa exemption ang pamamahagi ng social assistance sa ilalim ng TUPAD, AKAP, AICS, at 4Ps mula Oktubre 23 hanggang Nobyembre 2 maliban sa tulong medikal at burial.

Ang mga halal na opisyal, kandidato at nominado, at aspirants ay ipinagbabawal din na dumalo sa pamamahagi ng social aid ng mga nasabing programa.

Inatasan ang LTFRB na sundin ang mga guidelines na itinakda ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), Department of Labor and Employmen (DOLE), at iba pang kaukulang ahensya sa panahon ng pamamahagi ng tulong nito.

Ang anumang paglabag sa mga alituntunin ay maaaring magresulta sa pagbawi ng sertipiko ng exemption.

Nauna nang sinuspinde ng LTFRB ang pamamahagi ng P12-per-liter fuel subsidy para sa mga PUV driver dahil sa election ban.

Sa panahon ng halalan, ang isang sertipiko ng exemption ay ibinibigay sa isang ahensya ng gobyerno upang payagan ang mga partikular na aktibidad na napapailalim sa pagbabawal sa halalan, tulad ng pagpapalabas o pagbibigay ng mga pampublikong pondo para sa kapakanang panlipunan, pabahay, o mga proyektong pang-imprastraktura at pagdadala ng mga baril.

Ang paglabas, pagbabayad, o paggasta ng mga pampublikong pondo ay ipinagbabawal mula Setyembre 18 hanggang Nobyembre 1 dahil sa paparating na BSKE na naka-iskedyul para sa Nobyembre 2. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here