LA UNION- Hindi nakaligtas sa kalawit ni kamatayan ang isang 74-anyos na babai matapos mabangga ng tricycle sa pagtawid nito sa provincial road sa Brgy. Poblacion, Santo Tomas ng lalawigang ito nitong Linggo ng hapon, Setyembre 20.
Ayon sa Santo Tomas MPS, ang pedestrian at ang 62-anyos na driver ng tricycle ay parehong residente ng Santo Tomas, La Union.
Base sa imbestigasyon, ang tricycle ay bumibiyahe papuntang kanluran nang aksidenteng mabangga nito ang pedestrian na tumatatawid ng kalsada.
Resulta nito, nagtamo ng mga sugat ang pedestrian.
Ang pedestrian ay isinugod sa LUMC sa Agoo, La Union.
Gayunman, ang biktima ay idineklarang dead on arrival ng umatending doktor.
Hindi naman nasaktan ang driver ng tricycle. Rolando S. Gamoso