MANILA, Philippines – Inanunsyo ng transport group PISTON nitong Martes, Setyembre 22 na magdaraos ito ng dalawang araw na tigil-pasada sa susunod na linggo para magprotesta laban sa patuloy na pagtaas ng produktong petrolyo.
Ayon kay PISTON president Mody Floranda, ang tigil-pasada ay isasagawa sa buong bansa sa Setyembre 29 at Setyembre 30.
Panawagan umano ito sa pamahalaan na umaksyon na sa epekto ng tuloy-tuloy na pagtaas ng produktong petrolyo.
Kabilang din sa ipananawagan nila, ani Floranda, ay ang pag-alis ng pamahalaan sa excise tax at value added tax sa fuel products.
Ang anunsyo ay isinagawa kasabay ng kilos-protesta sa Aurora Boulevard corner Westpoint Street sa Cubao, Quezon City ngayong umaga. RNT/JGC