Home HOME BANNER STORY Presyo ng langis, mananatiling mataas ‘gang Pasko – DOE

Presyo ng langis, mananatiling mataas ‘gang Pasko – DOE

16
0

MANILA, Philippines – Hindi inaasahan ng Department of Energy (DOE) na babalik sa pre-war level ang presyo ng langis sa lalong madaling panahon dahil sa patuloy na tensyon sa Middle East.

Ayon kay DOE Secretary Sharon Garin, mananatiling mataas ang presyo ng petrolyo hanggang sa pagtatapos ng taon dahil sa sitwasyon sa Middle East at palitan ng piso kontra dolyar.

“With the exchange rate and the situation in the Middle East, we expect that within the year, prices will not yet go down to pre-war levels. It will probably remain elevated until Christmas,” ani Garin.

Ilang oil company ang nagpatupad ng sunod-sunod na price hike. Umabot sa P7.80 kada litro ang taas-presyo ng diesel nitong Martes, habang may dagdag pang P1 kada litro nitong Miyerkules.

Samantala, sinabi ni LTFRB officer-in-charge Greg Pua na may mga ulat silang umuuwi na sa kanilang mga probinsya ang ilang jeepney driver dahil sa mataas na presyo ng fuel. Aniya, patuloy nilang minomonitor ang sitwasyon at maaaring magbigay ang gobyerno ng libreng sakay kung kulang na ang mga bumibiyaheng sasakyan.

May P12 kada litro na fuel discount para sa public utility vehicles, ngunit kinilala ng DOE na maaaring hindi ito sapat upang matugunan ang epekto ng patuloy na pagtaas ng presyo.

Isinumite na rin ng DOE sa Malacañang ang certification para sa posibleng suspensyon ng excise tax sa petroleum products, ngunit wala pang pinal na anunsyo si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Samantala, pinag-aaralan ng Department of Social Welfare and Development ang panukalang karagdagang P5,000 ayuda para sa transport workers.

Gayunman, para sa ilang driver, mas makatutulong ang pagbaba ng presyo ng langis kaysa dagdag na ayuda. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here