MANILA, Philippines – Tatlumpu’t tatlong porsyento ng adult Filipinos ang umaasang gaganda ang ekonomiya ng bansa sa susunod na 12 buwan, ayon sa Social Weather Stations (SWS).
Sa survey na isinagawa noong Hunyo 20–29, 2026, 24% naman ang nagsabing lalala ang ekonomiya, habang 32% ang naniniwalang mananatili itong pareho. May 11% na hindi sumagot.
Nagtala ang net economic optimism ng +10, na ikinategorya ng SWS bilang “fair.” Mas mataas ito ng 24 puntos kumpara sa -14 noong Marso 2026.
Pinakamataas ang net optimism sa Balance Luzon sa +18, sinundan ng Visayas sa +6, Mindanao sa +4 at Metro Manila sa -6.
Ayon sa SWS, tumaas ang net economic optimism sa lahat ng education groups, ngunit pinakamataas ito sa mga walang pormal na edukasyon o hindi nakatapos ng elementarya.
Isinagawa ang survey sa face-to-face interviews sa 1,200 respondents, tig-300 mula sa Metro Manila, Balance Luzon, Visayas at Mindanao. May sampling error margin na ±3% para sa national results at ±6% sa bawat rehiyon. RNT/MDS