Home NATIONWIDE Proseso ng pag-aprub sa foreign travel ng local officials, binago ng DILG

Proseso ng pag-aprub sa foreign travel ng local officials, binago ng DILG

1
0

MANILA, Philippines – Binago ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang proseso ng pag-apruba sa foreign travel ng mga lokal na opisyal upang mapabilis ang pagproseso ng mga aplikasyon.

Sa ilalim ng bagong circular, mananatiling approving authority ang DILG Secretary para sa official at unofficial foreign travel ng provincial governors, mayors ng highly urbanized at independent component cities, at mayor ng Pateros.

Sakop din nito ang biyahe ng provincial, city at municipal elective officials na lampas tatlong buwan o isinasagawa sa panahon ng emergency o crisis.

Para naman sa official travel na tatlong buwan o mas maikli at walang emergency o crisis, awtorisado na ang DILG Regional Directors na mag-apruba sa foreign travel ng provincial, city at municipal elective officials.

Ang Regional Directors din ang aaksyon sa foreign travel ng appointive officials at empleyado ng mga LGU kung ang biyahe ay lampas tatlong buwan o isinasagawa sa panahon ng emergency o crisis.

Para sa mga barangay, Provincial Directors ang mag-aapruba sa component cities at municipalities, habang City Directors naman para sa mga barangay sa highly urbanized at independent component cities.

Naging epektibo ang bagong mekanismo noong Setyembre 7, 2026. Patuloy namang ginagamit ang Foreign Travel Authority Online System (FTA OS) para sa electronic submission ng mga kinakailangang dokumento.

Ayon sa DILG, layunin ng bagong sistema na i-decentralize ang pagproseso ng ilang foreign travel requests habang pinananatili sa Secretary ang approval authority sa mga itinakdang opisyal at sitwasyon. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here