Home HOME BANNER STORY SC nagbabala: Korapsyon walang lugar sa serbisyo publiko

SC nagbabala: Korapsyon walang lugar sa serbisyo publiko

14
0

MANILA, Philippines – Pinagtibay ng Korte Suprema ang dismissal sa isang police senior superintendent dahil sa pangongotong ng P5,000 sa babaeng pasahero noong 2011 sa dating Macapagal Airport (Clark ngayon).

Naharang ang pasahero dahil sa dalang sobrang Philippine currency na lampas P10,000. Sinabihan siya ng pulis ng “Kung ano maluwag sa iyo” at matapos magtawaran, nagbigay ng P5,000 para makasakay.

Nagsampa ng reklamong grave misconduct ang biktima sa National Police Commission. Napatunayang guilty ang pulis at tinanggal sa serbisyo — pinagtibay ito ng Office of the President noong 2022 at ng Court of Appeals noong 2024.

Umakyat sa SC ang pulis, pero ibinasura ang petisyon sa desisyong isinulat ni Senior Associate Justice Marvic Leonen (GR No. 276258, inilabas Setyembre 22, 2026).
Sa pagresolba ng petisyon, sinabi ng SC: “Walang dahilan ang Korte na ito na lumihis sa magkakaparehong finding sa mga naunang proseso na kinondisyon ng petitioner (pulis) ang paglaya ng respondent (babaeng pasahero) sa pagbabayad ng pera. Ang gawaing ito ay iregular at tahasang labag sa batas.”
Giit ng SC: Ang public office ay public trust. Iregular at tahasang labag sa batas ang pagkondisyon ng paglaya kapalit ng pera. Forfeited ang retirement benefits maliban sa accrued leave at habambuhay na bawal nang makabalik sa gobyerno. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here