Home NATIONWIDE Rep. Jojo Ang sinuspinde ng 90 araw ng Sandiganbayan 

Rep. Jojo Ang sinuspinde ng 90 araw ng Sandiganbayan 

2
0

MANILA, Philippines – Ipinag-utos ng Sandiganbayan Sixth Division ang 90-araw na preventive suspension kay USWAG Ilonggo Party-list Rep. James “Jojo” Ang Jr. kaugnay ng dalawang graft case na may kinalaman sa umano’y multi-milyong pisong government public works contracts.

Ayon sa anti-graft court, mandatory ang preventive suspension upang maiwasang magamit ng isang akusadong public official ang kanyang posisyon para maimpluwensiyahan ang mga testigo, hadlangan ang pag-uusig o makagawa pa ng iba pang umano’y paglabag habang dinidinig ang kaso.

Tinutulan ni Ang ang suspensyon at iginiit na ganap na niyang na-divest ang kanyang shares at interests sa Allencon, ang contracting firm na sangkot sa kaso. Sinabi rin niyang walang basehan upang sabihing maaapektuhan niya ang mga opisyal, empleyado o records ng kumpanya habang ginagampanan ang kanyang tungkulin bilang mambabatas.

Nauna nang nag-plead not guilty si Ang sa dalawang graft charges. Noong Agosto, ibinasura rin ng Sandiganbayan ang kanyang motion to quash na kumukuwestiyon sa hurisdiksyon ng korte.

Iniutos ng Sandiganbayan na ipadala kay House Speaker Faustino “Bojie” Dy V ang kopya ng resolusyon para sa implementasyon ng 90-araw na suspensyon. Inatasan din ang Speaker na iulat sa korte sa loob ng 15 araw mula sa pagtanggap ng resolusyon ang mga hakbang na ginawa. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here