Home NATIONWIDE P975.96-B DepEd budget, inaprubahan ng Kamara

P975.96-B DepEd budget, inaprubahan ng Kamara

1
0

MANILA, Philippines – Inaprubahan ng House of Representatives nitong Martes ang panukalang P975.96-bilyong budget ng Department of Education (DepEd) para sa 2027, habang nabawasan naman ang pondo para sa School-Based Feeding Program (SBFP).

Ayon kay House Appropriations Committee Vice Chair Rep. Maria Carmen Zamora, katumbas ng 13.55% ng panukalang P7.2-trilyong national budget ang alokasyon para sa DepEd. Ang education sector ang may pinakamalaking bahagi sa proposed 2027 budget.

Sa ilalim ng panukala, P11.4 bilyon ang inilaan sa School-Based Feeding Program, mas mababa sa P25.7 bilyong pondo nito ngayong 2026.

Dahil sa bawas na pondo, sinabi ni Zamora na paiikliin mula 180 araw tungong 120 araw ang implementasyon ng feeding program at ang universal coverage nito ay pangunahing lilimitahan sa mga kindergarten learner.

Kinuwestiyon nina ACT Teachers Party-list Rep. Antonio Tinio at Gabriela Party-list Rep. Sarah Elago ang pagbawas sa programa. Hiniling ni Elago na maibalik ang pondo sa 2026 level upang mapanatili ang kasalukuyang serbisyo para sa mga mag-aaral.

Samantala, P38.12 bilyon ang inilaan para sa government assistance and subsidies, habang P12.09 bilyon naman ang nakalaan para sa expanded career progression program ng mga kwalipikadong public school teacher.

Hindi pa pinal ang P975.96-bilyong alokasyon dahil daraan pa ang 2027 national budget sa Senado at sa bicameral conference committee bago maisapinal ang General Appropriations Act. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here