Home NATIONWIDE SUC faculty, empleyado nagprotesta sa Kamara vs P3.34-B budget cuts

SUC faculty, empleyado nagprotesta sa Kamara vs P3.34-B budget cuts

1
0
πŸ“· Danny Querubin

MANILA, Philippines – Nagsagawa ng kilos-protesta ang mga guro, empleyado at estudyante mula sa state universities and colleges (SUCs) sa labas ng House of Representatives nitong Miyerkules, Setyembre 23.

Ito ay kasabay ng plenary deliberations sa panukalang 2027 budget ng mga SUC. Nakatakda sa araw na ito ang pagtalakay ng Kamara sa budget ng Commission on Higher Education at mga state universities and colleges.

πŸ“· Danny Querubin

Sa protesta nanawagan ang faculty at employee leaders mula sa mahigit 30 SUCs na ibalik ang umano’y P3.34 bilyong bawas sa kanilang panukalang pondo at itaas ang national education budget sa katumbas ng 6% ng gross domestic product (GDP).

Nagtungo rin ang ilang grupo sa mga tanggapan ng mga mambabatas upang direktang isulong ang kanilang panawagan para sa mas malaking pondo sa public higher education.

Ayon sa kanilang unity statement, 49 sa 116 SUCs ang mahaharap umano sa direktang budget cut. Iginiit din nilang kailangang dagdagan ang pondo para sa classrooms, laboratories, maintenance at iba pang operating expenses, gayundin sa regular plantilla positions at benepisyo ng faculty at support personnel.

Kabilang sa mga lumagda sa pahayag ang faculty regents mula sa University of the Philippines System, Polytechnic University of the Philippines, Mindanao State University System, Cebu Normal University, West Visayas State University at iba pang SUCs.

Nanawagan din ang grupo ng P50,000 entry-level salary para sa Instructor I, P36,000 minimum monthly salary para sa Salary Grade 1 personnel, P5,000 Personnel Economic Relief Allowance at buong pondo para sa Collective Negotiation Agreement incentives.

Iginiit din nilang dagdagan ang regular plantilla positions upang mabawasan ang contractual employment sa mga pampublikong kolehiyo at unibersidad. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here