Home NATIONWIDE Hirit ni Alan na deferment sa conviction threshold voting, ibinasura; botohan tuloy

Hirit ni Alan na deferment sa conviction threshold voting, ibinasura; botohan tuloy

4
0

MANILA, Philippines – Ibinasura ng Senate impeachment court nitong Miyerkules ang mosyon ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano na ipagpaliban muna ang pagdedesisyon sa voting threshold na kailangan upang ma-convict si Vice President Sara Duterte sa impeachment trial.

Labintatlong senator-judge ang bumoto laban sa deferment, anim ang pabor at isa ang nag-abstain. Dahil dito, nakatakdang ituloy ng impeachment court ang botohan sa conviction threshold matapos ang lunch break.

Naunang itinakda ni presiding officer Sen. Francis “Chiz” Escudero noong Hulyo 6 na 16 boto, o two-thirds ng buong 24-member Senate, ang kailangan upang ma-convict ang Bise Presidente.

Hiniling naman ni senator-judge Erwin Tulfo na muling pag-isipan ang ruling dahil may apat na senador na hindi nakikilahok sa kasalukuyang paglilitis.

Iginiit ng House prosecution panel na dapat ibatay ang two-thirds requirement sa mga senator-judge na aktuwal na nakikilahok sa proceedings, dahil ang pagsama sa mga hindi makalahok ay maaari umanong humantong sa “acquittal by default.”

Kabaligtaran naman ang posisyon ng defense panel, na nagsasabing dapat manatili sa 16 ang threshold at ang pagbabago nito sa kalagitnaan ng trial ay maaaring maging usaping dalhin sa Supreme Court.

Nauna ring nagbigay ng magkakaibang pananaw ang mga inimbitahang amici curiae: sina retired Chief Justices Artemio Panganiban, Hilario Davide Jr. at Reynato Puno ay pumabor sa threshold na nakabatay sa mga aktuwal na kalahok na senator-judge, habang sinabi ni retired Associate Justice Adolfo Azcuna na dapat ibatay ito sa buong membership ng Senado.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here