Home NATIONWIDE Villanueva sa DMW: Paigtingin laban sa online illegal recruitment

Villanueva sa DMW: Paigtingin laban sa online illegal recruitment

1
0

MANILA, Philippines — Hinimok ni Senador Joel Villanueva ang Department of Migrant Workers (DMW) na palakasin hindi lamang ang pagtanggal ng mga pekeng online job posts kundi pati ang pagtugis at pagpapapanagot sa mga nasa likod ng illegal recruitment.

Sa pagdinig sa proposed 2027 budget ng DMW, sinabi ni Villanueva na dapat nakatuon ang kampanya sa “prevention, prosecution, conviction” habang patuloy na ginagamit ng mga illegal recruiter ang social media at iba pang digital platforms para targetin ang mga Pilipinong naghahanap ng trabaho sa ibang bansa. Kinilala rin mismo ng DMW ang online recruitment bilang isa sa laganap na trafficking schemes na kanilang binabantayan.

Batay sa datos na inilahad sa pagdinig, 87,011 online scam posts ang na-takedown noong 2025 at 44,079 naman sa unang anim na buwan ng 2026. Gayunman, sinabi ni Villanueva na siyam lamang ang naitalang conviction noong 2025 at apat sa unang kalahati ng 2026.

“Makita pa lang natin dito sa figures, talagang ito iyong pinagkakaabalahan ng mga kawatan. But of course, ibang istorya na itong conviction,” ani Villanueva.

Ayon kay DMW Undersecretary Bernard Olalia, kabilang sa bagong modus ang identity theft, kung saan ginagamit ng mga scammer ang pangalan at pagkakakilanlan ng mga lehitimo at lisensyadong recruitment agency upang makapangloko ng aplikante.

Dahil dito, pinayuhan ang mga naghahanap ng trabaho abroad na direktang makipagtransaksyon sa pangunahing opisina o awtorisadong sangay ng licensed recruitment agency at tiyaking beripikado ang kausap bago magbigay ng pera o personal na impormasyon.

Binigyang-diin din ni Villanueva ang mas mahigpit na koordinasyon ng DMW sa immigration at law enforcement agencies, kasunod ng mga kasong may umano’y pagkakasangkot ng government personnel sa trafficking networks.

Noong Setyembre 17, isang immigration officer ang inaresto ng National Bureau of Investigation dahil sa umano’y pagpapalusot ng mga recruit kapalit ng P40,000 bawat pasahero. Ayon sa NBI, limang recruit umano ang nakatakdang palusutin sa naturang scheme.

“The fight against illegal recruitment is a fight for our workers’ safety and future. We must protect Filipinos from syndicates using technology to deceive and exploit them,” ani Villanueva. Ernie Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here