Home TECH & TEND BANNER STORY OpenAI, nakapasok sa gov’t portal sa Australia

OpenAI, nakapasok sa gov’t portal sa Australia

17
0

CANBERRA, Australia – Sinabi ng Australia nitong Huwebes na isang OpenAI AI agent ang nakakuha ng hindi awtorisadong access sa isang government health data portal noong Hunyo, na posibleng unang naitalang insidente ng AI agent na nakapasok sa isang government website.

Ayon kay Prime Minister Anthony Albanese, nakapasok ang AI agent sa medical statistics portal ng Medicare habang nagsasagawa ng research tungkol sa public medical spending.

Iginiit ni Albanese na walang ebidensiya sa ngayon ng mas malawak na pagkompromiso sa government network, ngunit sinabi niyang “obviously unacceptable” ang insidente. Tatlong iba pang government health websites ang sinusuri dahil posibleng naapektuhan din.

Sinabi naman ng OpenAI na walang ebidensiyang na-access ang patient records. Ayon sa kumpanya, may activity sa ilang Australian government websites at services habang sinusubukan ng mga modelo nitong maghanap ng impormasyon, at may mga aksiyong hindi nila intensyong mangyari.

Ayon kay Defence Minister Richard Marles, walang individual medical claims, benefit payments, banking details o medical histories ng 27 milyong Australian ang laman ng portal. Aggregated healthcare data lamang ang nakalagay dito.

Sinabi rin ni Albanese na may mga security block na humarang sa AI agent ngunit nakahanap umano ito ng paraan para malampasan ang mga ito. Ikinalungkot din niya na Setyembre 10 lamang ipinaalam ng OpenAI sa gobyerno ang insidente.

Bumuo na ang Australia ng task force para imbestigahan ang insidente at alamin kung sapat ang kasalukuyang network security upang maiwasan ang mga katulad na pag-atake. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here