Home NATIONWIDE Access sa social protection services, pinalalawak ng DSWD

Access sa social protection services, pinalalawak ng DSWD

3
0

MANILA, Philippines – Patuloy na pinalalawak ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang access sa social protection programs sa pamamagitan ng Pamilya sa Bagong Pilipinas (PBP) na isinasagawa sa mga pilot region.

Sa unang rollout sa NCR, Region 2, Negros Island Region at Region 13, nakapagtala ang DSWD ng 1,092 katanungan, 655 indibidwal na na-profile sa centralized database at 124 kliyenteng naitugma sa naaangkop na non-monetary services.

Ang PBP hubs sa mga SM mall ay bahagi ng direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na gawing mas mabilis at accessible ang social welfare services, lalo na para sa mahihinang pamilya.

Ayon kay DSWD Assistant Secretary at tagapagsalita Irene Dumlao, gumagamit ang mga hub ng valid Philippine National ID (PhilSys) para sa digital profiling at pag-uugnay sa mga angkop na serbisyo.

“Ang DSWD ay palaging nakatuon sa pagdadala ng mga serbisyo sa kapakanang panlipunan nang direkta sa mga komunidad sa pamamagitan ng accessible na digital profiling at structured referral pathways,” ani Dumlao.

Sa Caraga, nakatanggap si Karen Dotolio ng counseling at psychosocial support matapos i-refer ng PBP Hub sa Robinsons Butuan sa WiSupport Program.

Samantala, nakakuha naman si Frevy Lhanz Plasabas ng gabay at impormasyon para sa medical assistance para sa operasyon ng katarata ng kanyang ama.

“Napakalaking tulong ng Pamilya sa Bagong Pilipinas sa aming pamilya dahil ginagawa nitong mas madali at maginhawa ang pag-access sa mga serbisyo ng DSWD. Nagtanong ako tungkol sa proseso para sa operasyon ng katarata ng aking ama at ang Medical Assistance. SANTI CELARIO

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here