Home HOME BANNER STORY Presyo ng LPG, aangat pa rin kahit suspendihin excise tax

Presyo ng LPG, aangat pa rin kahit suspendihin excise tax

4
0

MANILA, Philippines – Tataas pa rin ang presyo ng liquefied petroleum gas (LPG) kahit suspendihin ng Malacañang ang excise tax nito, ayon sa isang industry stakeholder.

Ayon kay Regasco President Arnel Ty, bumaba sa P10-P15 kada kilo ang inaasahang taas-presyo ng LPG mula sa dating P10-P25 dahil sa paghina ng presyo ng crude oil.

P3 kada kilo ang excise tax sa LPG o P3.36 kasama ang VAT. Gayunman, sinabi ni Ty na kahit alisin ang buwis, nasa P4 kada kilo pa rin ang posibleng dagdag-presyo kung mananatili sa P10 kada kilo ang overall increase.

Nasa P1,200-P1,400 ngayon ang presyo ng regular na 11-kilogram LPG tank. Sa inaasahang P10 kada kilo na dagdag, maaari itong umakyat sa mahigit P1,300-P1,500.

Sinabi ni Ty na handang hati-hatiin o i-stagger ng LPG industry ang dagdag-presyo kung hihilingin ito ng Department of Energy.

Samantala, inirekomenda na ng Department of Finance ang pansamantalang suspensyon ng excise tax sa LPG at kerosene, ngunit hindi kasama ang diesel at gasolina. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here