MANILA, Philippines – Tinanggap ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang credentials ni Dutch Ambassador Roderick Wols, araw ng Huwebes sa isang seremonya sa Palasyo ng Malakanyang.
Sa naging talumpati ni Ambassador Wols, binigyang diin nito ang matatag na pundasyon ng 75 taon ng Philippine-Netherlands relations.
Muli naman nitong pinagtibay ang commitment ng Netherlands sa international legal order, mapayapang pagsasaayos ng sigalot, ang rule of law, at ang proteksyon ng karapatang-pantao at kasarinlan.
Para naman kay Pangulong Marcos, mainit na tinanggap nito si Ambassador Wols sa Pilipinas at nagpahayag ng kumpiyansa sa matibay at matatag na PH-Netherlands bilateral relations, naka-angkla sa karaniwang maritime heritage at ang ibinahaging kahalagahan ng demokrasya at karapatang-pantao at ang rule of law.
Binigyang diin ni PangulongMarcos ang matatag na economic partnership of ng dalawang bansa at ang potensiyal na pagpapalawak ng relasyon ng sa larangan ng “trade and investment, water management, at transportation at infrastructure.”
Kapwa naman kinilala nina Pangulong Marcos at Ambassador Wols ang matibay na people-to-people ties sa pagitan ng Pilipinas at Netherlands, partikular na sa societal at economic impact ng mga filipino sa Netherlands, kabilang na ang onboard Dutch-flagged vessels.
Si Wols ay isang career diplomat na naglingkod sa Tsina, Brazil, Japan, Iran, Saudi Arabia, at Angola. (KRIS JOSE)