Home METRO Kapatid ni Kim Chiu nakapagpiyansa sa P5.6-M qualified theft case

Kapatid ni Kim Chiu nakapagpiyansa sa P5.6-M qualified theft case

1
0

MANILA, Philippines — Nakapagpiyansa na si Lakambini “Lakam” Chiu, kapatid ng aktres na si Kim Chiu, kaugnay ng 124 counts ng qualified theft na kinakaharap nito.

Ayon sa ulat ng ABS-CBN News, naghain si Lakam ng P5.6 milyong surety bond sa isang korte sa Quezon City at nakalaya mula sa Quezon City Jail Female Dormitory makalipas ang alas-5:30 ng hapon.

Sa kanyang arraignment na dinaluhan sa pamamagitan ng video conference, naghain si Lakam ng not guilty plea, ayon sa kanyang abogado na si Atty. Dominic Solis.

Dumalo naman nang personal si Kim sa proceedings kasama ang kanyang mga abogado.

Nahaharap si Lakam sa 124 counts ng qualified theft kaugnay ng umano’y P44.4 milyong withdrawals at online transfers mula sa corporate bank accounts ng House of Little Bunny Philippines Inc. (HOLB), kumpanyang inuugnay sa magkapatid.

Naaresto si Lakam noong Setyembre 20 sa Mandaluyong City sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng Quezon City Regional Trial Court. Una nang itinakda ang piyansa sa humigit-kumulang P5.8 milyon bago ito ibinaba sa P5.6 milyon.

Sa pahayag ng legal counsel ni Kim at HOLB, sinabi ng kanilang kampo na ipagpapatuloy nila ang kaso at hahayaan ang korte na dumaan sa tamang proseso. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here