MANILA, Philippines — Nakakuha ng 48% ang hypothetical tandem nina Vice President Sara Duterte at Sen. Robin Padilla laban sa 36% nina Naga City Mayor Leni Robredo at Sen. Bam Aquino sa pinakahuling Tugon ng Masa survey ng OCTA Research. Labing-anim na porsiyento naman ng respondents ang undecided.
Isinagawa ang face-to-face survey mula Hulyo 4 hanggang 11, 2026 sa 1,200 respondents na edad 18 pataas sa buong bansa.
May ±3 percentage points na margin of error ang national survey sa 95% confidence level, habang ±6 percentage points naman para sa Metro Manila, Balance Luzon, Visayas at Mindanao.
Ayon sa OCTA, mas maliit ang pagitan sa kasalukuyang hypothetical pairing kumpara sa mga commissioned surveys noong 2025, kung kailan nasa 20 hanggang 25 percentage points umano ang agwat ng parehong tandems.
Gayunman, maagang sukatan lamang ng voter preference ang naturang survey at hindi forecast ng magiging resulta ng 2028 elections.
Sa hiwalay na Q2 2026 analysis nito, binigyang-diin mismo ng OCTA na ang hypothetical election surveys sa yugtong ito ay mga early benchmark at maaari pang magbago habang papalapit ang halalan.Dave Medina