Home METRO Grade 7, sugatan sa palo ni titser sa Bacolod

Grade 7, sugatan sa palo ni titser sa Bacolod

1
0

BACOLOD CITY — Sugatan ang isang Grade 7 student matapos umano siyang pagpapaluin ng patpat ng kanyang guro sa loob ng classroom sa isang paaralan sa Bacolod City.

Base sa ulat, nagtamo ng mga sugat sa braso, likod at tagiliran ang estudyante matapos ang insidente nitong Miyerkules.

Batay sa inisyal na impormasyon, nagalit umano ang guro matapos itong matamaan ng clay na inihagis ng estudyante patungo sa kanyang mga kaklase.

Ini-report na umano ng magulang ng bata sa pulisya ang insidente.

Pansamantala namang hindi pinag-report sa trabaho ang guro habang nagsasagawa na ng imbestigasyon ang Department of Education-Bacolod City.

Tumanggi muna ang pamunuan ng paaralan na magbigay ng pahayag hinggil sa insidente, ayon sa ulat. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here