Home NATIONWIDE Mga abogado ni Romualdez sinita ng Sandiganbayan sa mga pahayag sa media

Mga abogado ni Romualdez sinita ng Sandiganbayan sa mga pahayag sa media

2
0

MANILA, Philippines – Sinita ng Sandiganbayan Third Division nitong Biyernes, Setyembre 25 ang mga abogado ni dating House Speaker Martin Romualdez sa mga pahayag nito sa media tungkol sa proseso ng korte sa kanyang arraignment.

Sa pretrial proceeding sa plunder case ni Romualdez, inatasan ni Associate Justice Karl Miranda, Third Division chair, ang kapwa partido sa kaso na tingnan ang “propriety” sa kanilang mga pahayag sa media interview.

“Your language must still reflect temperance, respect, and fidelity,” ani Miranda.

Ito ay kasunod ng mga pahayag ng abogado ni Romualdez na sina Jose Roy III at Ade Fajardo na ipinag-utos pa umano ng korte ang pagbabasa ng impormasyon na naglalaman ng pormal na reklamo sa arraignment ni Romualdez.

Pinapayagan ng internal rules ng Sandiganbayan ang pag-waive sa pagbabasa ng impormasyon, ngunit iginiit ni Miranda na nananatili ito sa diskresyon ng korte kung pagbibigyan o hindi.

“The reading of information is not meant to tire and embarrass the accused,” sinabi ni Miranda at sinabing ang hearing ay “is a matter of public concern.”

Sinabi rin ni Fajardo na humiling silang i-waive ang pagbabasa ng impormasyon dahil maaari umano itong magdagdag ng stress kay Romualdez, habang sinabi naman ni Roy sa panayam sa radyo na walang iregular tungkol sa request at ginawa para mapabilis ang paglilitis.

Sa proceeding, sinabi ni Fajardo na siya ay magpapasakop kung ano ang nais ng korte.

Sa kabilang banda, wala si Roy sa proceeeding na ayon sa lead counsel ni Romualdez na si Rachel Ann Pomoy na ito ay “feeling under the weather.”

Matapos ang pagdinig, tinugunan ni Fajardo ang pahayag ng korte.

“We appreciate the sentiments of the court, of course we lawyers are officers of the court, we need to be courteous.” RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here